Angelica Joyce D. Caraca, 15. Perfectly imperfect. My life, My choice, My decision. I blog to share my thoughts, feelings, and everything I want to. I blog for fun. Welcome to my world! :)
Hindi biro ang pinagdadaanan ng isang brokenhearted.Isang mahaba at mahirap na proseso ito.Isang malaking pagsubok ang kinakaharap ng isang brokenhearted araw-araw.Naandyan yung palagi siyang depressed at malungkot.Minsan pa nga,bigla bigla na lang siyang maiiyak.Hindi niya maiiwasang isipin ang mga masasayang alaala na meron sila ng dati niyang kasintahan.Hindi ganun kadali para sa kanya ang mag-move on lalo na’t kung mahal pa niya ito ng sobra.Hindi niya maiwasang hindi mainggit sa mga kaibigan niyang may kasintahan kaya naiisipan niya na maghanap din ng iba subalit napapapunta lang din siya sa maling tao kaya mas nasasaktan siya lalo.Palagi niyang naiisip na mag-isa lamang siya.Sa madali’t sabi,palagi siyang nasasaktan.
Para sa ibang tao,madaling sabihin na kalimutan na lamang niya ang taong yun at mag-move on na lang.Pero para sa isang brokenhearted,naiisip pa lang niya itong gawin ay mahirap na.Sa sobrang kaiisip niya kung paano agad madaling makalimot,hindi niya napapansin na unti-unti na siyang nagbabago.Hindi na siya katulad ng dati.At dahil nga nasaktan siya,minsan naiisipan niyang gumanti.Napupuno ng galit ang utak niya dahil sa sobrang pag-iisip at kalungkutan.Hindi madaling maging brokenhearted.Palagi kang malungkot.Palagi kang nasasaktan.
Nagdadaan tayo lahat dito pero iba’t-ibang level lang. Huhubels.